ni Michael M. Coroza
Maraming salamat, Pamilya Cristobal,
Sa inyong kaloob na tulong pinans’yal.
Talagang sa buhay at kamatayan man,
Ang UMPIL ay sadyang mahal ni Adrian.
Asahang ang inyong mahalagang handog,
Dakila’t malayo yaong maaabot.
Salamat at sadyang hindi malilimot
Ng UMPIL ang inyong kabutihang loob.